Makabayan Bloc, nagpasalamat sa pagtatanggol ni kay Speaker Velasco hinggil sa red-tagging

Ramdam ng mga kongresista sa Makabayan Bloc na protektado sila sa Mababang Kapulungan kasunod ng ginawang pagtatanggol sa kanila ni House Speaker Lord Allan Velasco laban sa red-tagging ng pamahalaan.

Nauna nang inaakusahan ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lt. General Antonio Parlade na ang mga progressive lawmakers ay miyembro ng Communist Party of the Philippines(CPP).

Ayon kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, hindi nila inaasahan ang ginawang pagdepensa para sa kanila ni Velasco kaya naman lubos ang kanilang pasasalamat dito.


Aniya, ito ang unang pagkakataon na mayroong Speaker ng Kamara ang ipinagtanggol sila kaya kahit papaano ay pakiramdam nilang ligtas sila dahil may assurance mula sa mga pahayag ni Velasco.

Sa ipinalabas na statement ni Velasco sinabi nito na apektado sya sa ginagawang red-tagging ni Parlade sa House members.

Bilang Speaker aniya ay tungkulin niyang protektahan ang mga house members na inihalal ng taumbayan.

Sinabi naman ni Castro na mali ang ginagawa ng Duterte security forces na lahat na lang ng nagsasalita sa isyu na ipinaglalaban ng makakaliwang grupo at tumututol sa mga polisiyang ginagawa ng Duterte administration ay binabansagan agad na kaanib ng teroristang grupo.

Facebook Comments