Makabayan bloc, nakiisa na rin sa panawagang patalsikin si Sec. Diokno

Manila, Philippines – Nakiisa na rin ang Makabayan bloc sa Kamara sa panawagang patalsikin sa pwesto si Budget Secretary Benjamin Diokno.

Ang desisyon na ito ng Makabayan ay kasunod ng kaliwa’t kanang isyung kinakaharap ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ng pamumuno ni Diokno.

Isa sa mariing tinututulan dito ng mga kongresista sa Makabayan ay ang ginawang pagtapyas sa ng DBM sa 2019 budget sa ilang ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa social services tulad ng health, education at housing.


Dagdag pa dito ang natuklasang isiningit na budget para sa flood control projects na aabot sa P54 billion ngayong 2018 at P75 billion sa 2019 budget.

Ang DBM mismo ang gumawa ng adjustments sa budget ng DPWH na hindi nalalaman ng kalihim ng ahensya.

Inaalmahan din ng Makabayan ang P325 million infrastructure projects sa Casiguran, Sorsogon na napag-alamang inilaan para sa proyekto ng mga in-laws ni Diokno.

Iginiit pa ng Makabayan na panahon na para sagutin ni Secretary Diokno ang paggamit sa pambansang budget at ang iba pang kontrobersiyang kinasangkutan ng DBM.

Facebook Comments