Makabayan bloc, pina rerevoke ang martial law

Manila, Philippines – Ipinare-revoke na ng Makabayan Bloc sa Kamara ang martial law declaration ni Pangulong Duterte sa Mindanao.

Sa House Joint Resolution number 13 na inihain ng mga miyembro ng Makabayan bloc, iginigiit na mag convene ang dalawang kapulungan ng Kongreso para sa pagdaraos ng joint session para sa layuning i-revoke ang deklarasyon ng batas militar.

Katwiran ng Makabayan bloc, walang mabigat na basehan ang pagpapasailalim sa martial law sa Mindanao dahil kahit ang security officials ng gobyerno ay nagsasabing in full control ang mga ito sa sitwasyon.


Puro inaccurate at exaggerated na impormasyon ang nakasaad sa martial law report na isinumite ng Pangulo.

Delikado namang hindi matalakay ng Kamara ang House Joint Resolution na ito ng mga militanteng kongresista dahil ngayong hapon at hanggang bukas na lamang ang sesyon.

Samantala, tuluyan ng ibinasura sa Kamara ang impeachment complaint na inihain ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano laban Kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nasa 217 ang bumoto sa plenaryo na ipabasura ang impeachment complaint habang 4 naman ang tutol na ibasura ang reklamo.
DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments