Manila, Philippines – Hinikayat ng Makabayan bloc ang Korte Suprema na aksyunan na ang 2013 petition na kumukwestyon sa dagdag na P4.15 kada kilowatt-hour ng Meralco.
Sa inihaing mosyon ng humiling ang grupo na maglabas ng direktiba ang Korte Suprema para maresolba na ang kaso kung saan unang inihain ang petisyon noong December 2013.
Inihihirit sa petisyon na mahinto ang pagpapataw ng dagdag-singil sa kuryente ng Meralco.
Ayon naman sa Meralco, ang shutdown ng Malampaya power facility ang rason ng patuloy na pagpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente dahil sa nagresulta rin ito sa pagsasara ng iba pang power facilities.
Facebook Comments