
Tutungo ngayong araw sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure ang Makabayan Bloc upang pormal na hilingin na imbestigahan ang mga exposé ni dating Cong. Zaldy Co ng Ako Bicol Party-list.
Partikular na pinaiimbestigahan ang umano’y mga insertion at kickback sa 2025 national budget na sinasabing kinumpasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa Makabayan Bloc, magsusumite sila ng written request sa komisyon mamayang alas-11 ng umaga.
Ipasisilip ng grupo ang mga alegasyon ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo na ayon kay Senador Ping Lacson, may mga tao sa Malacañang na diumano’y ginamit si Pangulong Marcos para paniwalain si Zaldy Co na ang Pangulo ang nag-utos sa P100 bilyong insertion.
Personal na magtutungo sa komisyon sina:
Rep. Antonio Tinio (ACT Teachers Party-list)
Rep. Atty. Renee Louise Co (Kabataan Party-list)
Former Rep. Emmi de Jesus (GABRIELA Women’s Party)









