Manila, Philippines – Pumalag ang Makabayan Bloc sa Kamara sa hirit ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, hindi dapat maging sunud-sunuran ang kongreso sa Malacañang lalo na sa usapin ng batas militar.
Aniya, hindi maaring gawin lamang seremonya ang joint session sa Sabado, July 22 para tanggapin ang liham ng pangulo para sa martial law extension.
Giit naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, kailangang hindi madaliin ang pag apruba sa martial law extension.
Kailangan aniyang pag-aralan itong mabuti ng mga mambabatas para mabatid kung mayroon talagang batayan ang pagpapalawig nito.
Dapat rin aniyang magpaliwanag ang mga security at defense officials ng bansa sa Kamara kung bakit kailangan ng mahabang extension ng martial law.