Makabayan Bloc, tiniyak ang paghahain ng impeachment compliant laban kay VP Sara

Mariing binatikos ng mga kongresistang bumubuo sa Makabayan Bloc ang text message ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na umaawat sa paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin nina Representatives Rep. France Castro ng ACT Teachers, Rep. Arlene Brosas ng Gabreila Women’s Party-list, at Rep. Raoul Manuel ng Kabataan Party-list, ang tangka ni PBBM na impluwensyahan ang kongreso ay paglabag sa separation of powers sa pagitan ng co-equal branches of government.

Nakababahala para sa tatlong mambabatas ang lantarang pakikialam ng pangulo sa mga proseso ng Kongreso dahil hindi dapat idinidikta ng Malacañang kung paano gagawin ng Kongreso ang mandato nito para managot ang mga opisyal na may katiwalian.”


Bunsod nito ay tiniyak nina Castro, Brosas at Manuel na na sila sa Makabayan bloc at mga progresibong organisasyon ay nakahanda at naghahanda para sa impeachment dahil kailangan managot si VP Duterte sa usapin ng confidential funds at iba pang anomalya sa OVP at DepEd.

Facebook Comments