Makabayan Bloc, umaasang matutupad ang pag-aresto kay Senator Bato dela Rosa sa lalong madaling panahon

Umaasa ang mga kongresistang kasapi ng Makabayan bloc na agad maipapatupad ang napaulat na arrest warrant mula sa International Criminal Court o ICC laban kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa.

Giit ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio, dapat managot si Sen. Dela Rosa at ang lahat ng sangkot sa madugong drug war lalo’t mahaba ang listahan ng mga pamilyang biktima na naghahangad ng hustisya.

Umaapela naman si Kabataan Party-list rep. Rep. Renee Louise Co sa Senado na huwag itago si dela Rosa sakaling isilbi na ang warrant of arrest at hindi rin aniya dapat humarang dito ang Korte Suprema bilang pagtataguyod sa pagsulong ng hustisya.

Hinihikayat naman ni Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago sa sambayanan na maghanda ng sama-samang pagkilos upang ipanawagan ang hustisya at pananagutan ng mga namuno at sangkot sa war on drugs.

Facebook Comments