Makabayan Bloc, umapela sa liderato ng Kamara na agad aksyunan ang tatlong impeachment na nakahain laban kay VP Duterte

Hiniling ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan Bloc sa liderato ng Kamara na agad aksyunan agad mga impeachment complaint na nakahain laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, ang pagsasampa ng tatlong impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte ay nagpapakita kung gaano katindi ang maling paggamit nito ng confidential funds na nagkakahalaga ng mahigit ₱612 million.

Giit naman ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, ang bawat araw na dumadaan na hindi inaksyunan ang naturang impeachment complaint ay dagdag na mga araw ng paglusot ni VP Sara Duterte sa pananagutan.


Ipinunto naman ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na hindi lang technical violations ang ginawa ni VP Sara kundi sistematikong korapsyon umano at pagtataksil sa tiwala ng taumbayan.

Facebook Comments