Makabayan, pinasisibak sa pwesto si PNP Chief Oscar Albayalde

Hiniling ng Makabayan sa Kamara ang agad na pagsibak sa pwesto ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde.

 

Ang panawagan ay ginawa kasunod ng pagkakapatay sa 14 na magsasaka sa Negros Oriental na tinawag nilang “crime against humanity”.

 

Giit ni Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao, hindi lamang ang pagpapatalsik sa mga local police chief ang gawin kundi pati na rin ang pagtanggal kay Albayalde na maituturing na sukdulan ng kanyang pananagutan bilang PNP Chief.


 

Aniya, hindi na natuto si Albayalde sa mga kasong may kinalaman sa iligal na droga.

 

Dagdag pa nito, wala pa man ding malinaw sa imbestigasyon at ebidensya ay tila kumbinsido na si Albayalde na konektado sa mga rebelled ang mga napatay na mga magsasaka.

 

Sa kabila ng kwestyunableng pagkakapaslang sa mga magsasaka ay nagawa pang purihin ng PNP Chief ang kanyang mga tauhan sa nangyaring counter-insurgency operations na nagresulta sa pagkakapaslang sa ‘sacrificial lambs’ na pawang mga sibilyan at miyembro ng aktibong organisasyon ng mga mahihirap.

Facebook Comments