Hindi tinitigilan ng Makabayan Bloc sa Kamara si Vice President Sara Duterte na magpaliwanag tungkol sa paggamit nito ng P125 million confidential fund sa Office of the Vice President noong 2022.
Kaugnay na rin ito sa desisyon ng bise presidente na hindi na hihirit ng Confidential at Intelligence Fund (CIF) para sa Office of the Vice President (OVP) dahil posibleng magdulot lamang ito ng pagkawatak-watak.
Naniniwala si Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel na sa kabila ng desisyon ni Duterte na hindi na ipilit ang confidential funds sa 2024, hindi naman matatakasan ng bise presidente ang pananagutan na magpaliwanag sa kabila ng naturang desisyon.
Samantala, nakukulangan naman si ACT Teachers Party-list Representative France Castro sa naturang pahayag ni Vice President Sara at iginiit na dapat maging categorical ito.
Kasabay ito ng paggiit na sa halip na isyu ng CIF, mas tutukan dapat nito ang mga suliranin sa sektor ng edukasyon tulad ng learning crisis, kakulangan ng classrooms, dagdag na sahod at benepisyo ng mga guro.