Manila, Philippines – Ilalabas ng Makabayan sa Kamara ang resulta ng kanilang fact-finding mission sa special session sa Sabado para tutulan ang extension ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, ipapakita nila sa Sabado ang mga dokumento ng resulta ng mga paglabag sa karapatang pantao sa gitna ng umiiral na batas militar.
Ipapakita din umano nila ang mga insidente ng harassment na gawa ng mga sundalo kung saan ang mga kasong ito ay hindi pa lumalabas sa publiko.
Paliwanag ng mambabatas, ito ay upang magbigay ng ibang pananaw sa iba nilang kasamahan upang pag-isipan ang pagpapalawig ng martial law.
Samantala, kung mabibigyan ng pagkakataon nais ng Makabayan bloc na makipag-usap sa Pangulong Duterte.
Dito ay ihaharap nila sa Pangulo ang mga naidokumentong paglabag sa karapatang pantao sa Mindanao.