Manila, Philippines – Pinag-iisipan na ng Makabayan Bloc kung mananatili pa silang myembro ng supermajority bunsod ng kanilang pagtutol sa martial law sa Mindanao.
Ayon sa mga kongresista mula sa Bayan Muna, Act Teachers, Gabriela, Kabataan at Anakpawis, pinag-aaralan na nila kung kakalas na ang mga ito sa alyansa ng adminsitrasyon.
Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, hihintayin na lamang nila ang ikalimang round ng peace talks ng gobyerno at CPP-NPA-NDF.
Tiyak na magiging malaking usapin ang martial law sa peace talks kaya aantabayanan nila kung ano ang kalalabasan nito.
Binigyang-diin naman ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na mahirap para sa kanila na palagpasin ang isyu ng martial law dahil para sa kanila ay lumalabis na sa hinihingi ang Pangulong Duterte.
DZXL558