MAKAGUGULO LANG | Pagbubukas ng bagong ruta ng LTFRB magiging ugat ng kaguluhan sa hanay ng Transportasyon – Commuters Group

Manila, Philippines – Naniniwala ang Lawyers For Commuters Safety and Protection O LCSP na mitsa umano ng kaguluhan sa Transport Sektor ang paglalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng bagong ruta sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito ang pahayag ng Lawyers for Commuters Safety and Protection o LCSP kasunod ng umanoy pagkiling ng LTFRB sa piling mga Transport Group na makakuha ng prangkisa para masolo ang biyahe sa partikular na ruta.

Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton na dati ring naupo bilang Board Member ng LTFRB, kabuhayan para sa mga operator at driver ang nakasalalay dito.


Matagal aniyang naghintay ang mga ito na magwakas ang ipinatupad na Moratorium para sa pagbubukas ng bagong mga ruta kayat ibang usapin na kung may papaborang grupo ang LTFRB para dito.

Matatandaang una nang umalma si Atty Vigor Mendoza ng Kilusan sa Pagbabago sa Industriya ng Transportasyon o KAPIT matapos ilabas ng LTFRB ang Board Resolution na may nakatalaga nang pangalan ng Transport Association na hahawak para sa binuksang bagong ruta.

Facebook Comments