MAKAKADAAN NA | Mga tricycle, pwede na ulit dumaan sa Katipunan Road, QC

Quezon City – Pwede na ulit dumaan sa Katipunan Avenue ang mga tricycle.

Ito ay makaraang aprubahan ng mmda ang hiling ng Quezon City Government.

Pero paglilinaw ni MMDA Special Operations Group Head Bong Nebrija – ang pinakagilid lang ng Katipunan Road ang pwedeng daanan ng mga tricycle.


Nag-assign na rin sila ng dispatcher sa terminal ng tricycle para bantayan ang mga sasakay na pasahero at maiwasan ang overloading.

Kanina, anim na tricycle driver agad ang nahuli ng katipunan Tricycle Operators and Drivers’ Association (TODA) dahil sa overloading.

Papatawan sila ng tatlong araw na suspensyon alinsunod sa napagkasunduan ng MMDA, QC Local Government, at mga miyembro ng TODA.

Facebook Comments