MAKAKASAKAY NA | Mga sundalo, libre nang sumakay sa MRT-3 – DOTr

Manila, Philippines – Makakasakay na nang libre sa Metro Rail Trail (MRT) 3 ang mga sundalo.

Ito ang inanunsyo ni AFP Public Affairs Office Chief Lieutenant Colonel Emmanuel Garcia matapos na mapirmihan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DOTr at AFP.

Aniya kinakailangan lang iprisenta ang identification card ng isang sundalo para magsilbing access pass nito sa pagsakay sa MRT.


Ginawa ito ng DOTr bilang pagkilala sa sakripisyo ng mga sundalo.

Sinabi naman ni AFP Spokesperson Brigadier General Bienvenido Datuin, na mas nakakataba ng puso at ginaganahang magtrabaho ang mga sundalo sa prebelihiyong ito.

Nitong nakalipas na taon una nang inilibre ang mga sundalong sasakay sa LRT 2.

Facebook Comments