Manila, Philippines – Iminungkahi ng Grupong Bantay Bigas ang pagpapatupad ng price control sa bigas sa merkado.
Ayon kay Cathy Estavillo ng bantay bigas, makakatulong ito para mapigil ang patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas habang hinihintay ang inangkat na bigas sa bansa at bago ang pagsisimula ng anihan ng palay.
Maliban rito, nababahala rin aniya sila na malugi ang mga magsasaka dahil sa posibleng hindi mabili ang kanilang aning palay bunsod ng iaangkat na bigas ng gobyerno.
Una nang nagbabala ang National Grains Retailers Confederation of the Philippines na posibleng umabot sa limang piso kada kilo ang itataas ng commercial rice.
Facebook Comments