MAKAKAUWI | DFA, pinayapa ang mga OFWs sa Kuwait

Manila, Philippines – Kasunod ng pagpapalawig ng Kuwaiti govt. ng amnesty program.

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs sa mga undocumented Overseas Filipino Workers sa Kuwait na makakauwi sila ng bansa.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Allan Peter Cayetano dahil sa nasabing extension ng amnesty program maipproseso na ng ating embahada sa Kuwait ang mga dokumento ng nasa higit 10,800 undocumented Filipinos na gusto ng umuwi ng Pilipinas.


Sinabi naman ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa na sa ngayon, umaabot na sa 3,801 travel documents ang kanilang naiproseso simula ng mag umpisa ang amnesty program at mahigit sa 1000 ofws na rin ang napabalik sa bansa habang asahan na aniya na higit sa 2000 pang mga OFWs ang uuwi ng Pilipinas sa mga susunod na araw.

Samantala, siniguro ng DFA na tuloy ang koordinasyon nila sa Department of Labor and Employment at sa Kuwaiti govt. upang maprotektahan ang mahigit sa 250,000 Filipinos na legal na nagttrabaho sa Kuwait.

Nung isang araw kung maaalala, inanunsyo ng DFA na magtatapos ang amnesty program sa April 22, dalawang buwan matapos ang orihinal na deadline nito na Feb. 22.

Nabatid na nag umpisa ang amnesty program sa nasabing bansa noong Jan. 29 2018.

Facebook Comments