MAKALAGLAG-PANGA | Presyo ng pinakamahal na sapatos sa buong mundo, alamin

114

World – Pinag-uusapan ngayon worldwide ang makalaglag-pangang presyo ng isang high-heeled shoes na itinuturing ngayon bilang pinakamahal na sapatos sa buong mundo.
Gawa ng British designer na si Debbie Wingham ang sapatos na mabibili sa halagang 15.1 million dollars!

Katumbas lang naman ito ng tumataginting na P765, 872, 000!

Gawa sa purong ginto ang zipper ng sapatos gayundin ang ilalim na bahagi nito.

At alam niyo ba, 18 Carat Gold na sinulid ang ginamit ni Debbie para tahiin ang mga parte ng sapatos habang 24 Carat Gold paint naman ang ginamit sa leather coating process nito.

At para mas magmukhang elegante, dinikitan pa ito ng mga pink at blue diamond.

Facebook Comments