Makalumang Paggamot sa Sakit na Sore Eyes, Pinabulaanan!

Cauayan City, Isabela- Pinabulaanan ang ilan sa mga pinaniniwalaang paggamot sa sakit na sore eyes sa naging ugnayan ng RMN Cauayan kay Dr. Roda Gaffud ng Echague District Hospital ngayong ika-lima ng buwan ng Abril taong kasalukuyan.

Aniya, hindi umano totoo at hindi nila inirerekomenda ang mga mamamayan na gawin ang mga paniniwala ng mga sinauna gaya ng pagpahid ng ihi sa mata tuwing umaga at ang pagpatak ng breastmilk sa mata.

Kanya ring ibinahagi na ang sakit na soreyes ay nakukuha mula sa Viral Infection o sa maruming hangin mula sa paligid at Karaniwan sa mga sintomas nito ay ang pamumula at pagmumuta ng mata, masakit, Makati at Parang may buhangin sa loob.


Iwasan din umano itong hawak-hawakan, iwasang sabunan o lidlidan, huwag ding patakan ng kung ano-ano at huwag munang labas ng labas ng bahay upang hindi makahawa.

Inirekomenda rin ni doctor Gaffud na mas mainam pa rin na komunsulta sa Doctor para sa kaukulang lunas.

Facebook Comments