Makamundong Pagnanasa, Nauwi sa Selda!

*Cauayan City, Isabela*- Hindi nakapalag ang isang construction worker sa isang hotel sa Lungsod ng Cauayan matapos arestuhin ng mga awtoridad dahil sa paglalaro nito ng kanyang ari sa harap mismo ng kanyang katrabahong babae.

Ang suspek ay kinilalang si Brandon Dela Cruz, 19 anyos at pansamantalang naninirahan sa Lungsod na tubong Mindanao.

Ayon sa salaysay ng biktima na itinago sa pangalang Lita, 36 anyos, isang yaya ng nag mamay ari ng hotel na kinukumpuni ng suspek, habang lasing ang suspek na noo’y nasa ikatlong palapag ng gusali nang makita ito ng biktima na gumagawa ng kalaswaan at imbes na tumigil ito sa paglalaro sa kanyang ari ay itinuloy pa rin nito sa harapan mismo ng biktima.


Dito ay humingi na ng saklolo ang babae sa kapulisan at agad na inaresto ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya.

Sa ngayon ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa piskalya ang suspek na ngayo’y ang malamig na rehas na ang kanyang hinihimas sa presinto ng PNP Cauayan.

Facebook Comments