Hindi umubra ang pagpapalagay ng makapal na lipstick sa tatlong babaeng underage Overseas Filipino Workers (OFWs) na biktima ng human trafficking.
Ang 3 ay ni-recruit ng sindikato mula sa Cotabato at patungo sana sila ng Doha, Qatar para magtrabaho bilang household service workers.
Umamin ang 3 na tinuruan sila ng kanilang recruiter na huwag aaminin ng kanilang tunay na edad kaya pinalabas nila na sila ay 28 at 29 taong gulang.
Pero nang sila ay paulit-ulit na tanungin ng Immigration officers sa Clark International Airport (CIA) doon na umamin ang mga biktima na sila ay nasa 20’s lamang
Tinuruan din aniya sila ng kanilang illegal recruiters na maglagay ng makapal na lipstick at huwag pipila sa Immigration counters na mga nakatatanda ang nakapila.
Ang 3 ay hawak na ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa pagsasampa ng kaso sa sindikato.