MAKAPIGIL HININGA | Australian artist, 3 araw na inilibing ang sarili sa isang kalsada sa Tasmania

Australia – Isang Australian artist ang gumawa ngayon ng makapigil-hiningang stunt matapos na ilibing ang kanyang sarili sa ilalim ng kalsada sa loob ng tatlong araw!

Nagsilbing kabaong ni Mike Parr ang isang maliit na shipping container saka siya inilibing sa ilalim ng isang mataong kalsada sa isla ng tasmania.

Sinemento pa ang ibabaw nito pero may nakakabit namang tubo na daanan ng hangin.


Wala rin siyang pagkain at tubig lang ang pantawid gutom habang pwede rin niyang pindutin ang isang button kung sa tingin niya ay nasa panganib na siya.

Hindi ito ang kauna-unahang stunt na ginawa ni Parr dahil minsan na rin niyang sinilaban ang kanyang sarili at tinahi mismo ang kanyang mukha.

Facebook Comments