MAKASAYSAYAN | U.S. Secretary of State – Nasa Pyongyang muli para sa ikinakasang historic talks nina U.S. President Trump at North Korean Leader Kim Jong Un

Pyongyang – Nasa Pyongyang muli si U.S. Secretary of State Mike Pompeo bilang paghahanda sa historic talks nina President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na bumisita sa bansa ang US Secretary of State.

Ayon kay Pompeo – Sa pagkakataong ito, umaasa siyang maisasapinal na ang planong pag-uusap ng dalawang lider tungkol sa denuclearization sa Korean peninsula.


Samantala, inaasahan din sa pagbisita ni Pompeo na kasama niyang babalik sa Amerika ang tatlong American detainee ng North Korea.

Facebook Comments