Inanunsyo ni Makati City Mayor Abby Binay na mamamahagi ang pamahalaang lungsod ng libreng gasolina sa Makati-based suppliers ng goods at services.
Pero ayon sa alkalde, para maging kwalipikado sila sa nasabing insentibo ay dapat mag parehistro muna sila sa Business Permit and Licensing Office (BPLO) ng lungsod.
Maaari rin silang mag online via www.proudmakatizen.com, upang maging legitimate member ng Makati Assistance and Support for Businesses (MASB) at maging kwalipikado sa mga iniaalok ng Makati City Government.
Ang mga maaaring mag apply ay ang President, Treasurer, Managing Partner o authorized representative ng isang kompanya, pero kung sole proprietorship, kailangan ay ang mismong may-ari ng negosyo ang maghahain ng aplikasyon.
Matatandaan na, naglaan ng P2.5-billion budget ang lungsod para sa kanilang economic relief program upang maibalik muli ang sigla ng ekonomiya ng Makati.