Makati, bumili ng 42 refrigerators na pag-iimbakan ng COVID-19 vaccines

Bumili ang lokal na pamahalaan ng Makati ng 42 refrigerators na pag-iimbakan ng mga bibilhing COVID-19 vaccines.

Ayon kay Makati Mayor Mar-len Abigail Binay, may itinatayong vaccine depot sa quadrangle ng City Hall na paglalagyan ng mga biniling refrigerators.

Inaasahan naman sa susunod na linggo ay matatapos na ang vaccine depot.


Sinabi pa ng Alkalde na habang hinihintay ang pagdating sa bansa ng mga bakuna, ay naghahanda na ang city government sa gagamiting vaccination sites at iba pang logistics para sa cold chain management facility.

Kaugnay dito ay gagamitin para sa inoculation ng mga medical frontliners at uniformed personnel ang Makati Coliseum habang mayroon namang 31 vaccination sites para sa mga residente.

Maglulunsad din ng online registration portal ang lungsod para malaman kung ilang bakuna ang kakailanganin sa bawat barangay.

Facebook Comments