Inihayag ng pamahalaan lokal ng Lungsod ng Makati na muli nilang iniusad ang deadline ng pagbabayad ng tax sa kanilang lungsod.
Ito ay pinag tibay ng maaprubahan ni Makati Mayor Abby Binay ang City ordinance No. 2020-090 na naguutos na iusad sa May 30, 2020 ang pagbabayad ng mga TAX tulad ng bisiness Licenses, Realty Taxes at iba pang bayarin at Charges na ipinapataw ng ng sabing lungsod.
Muling nakasaad sa nasabing ordinansa ang pag suspende ng mga multa, interes at surcharges.
Maliban dito, sinuspende rin ang paglalagay ng multa, interes, at surcharges para sa Ordinance Violation Receipts no OVR na hindi pa nababayaran dahil sa Enhanced Community Quarantine.
Subalit, ayon kay Mayor Abby na dapat it ay mabayaran bago matapos ang May 20, 2020.
Matatandaaan noong Marso, una itong inusad sa Abril 30, subalit ng dahil din sa extension ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) hanggang sa katapusan ngayong buwan, kayan naman napagdesisyonan ng Sangunian pang Lungsod ng Makati na palawigin pa ang deadline sa pagbabayad ng TAX hanggang sa susunod na buwan.