Mahigpit na ipanatutupad ng lokal na pamahalaan ng Makati City ang home quarantine dahil sa nagpapatuloy na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon.
Dahil dito, patuloy ang pamamahagi ng food packs ng lokal na pamahalaan ng nasabing lungsod sa kanilang mga residente kung saan ang pinakabagong nabigyan ay ang Barangay Pinagkaisahan at Barangay East Rembo.
Ayon kay Makati City Action Center Head Arleen Pangilinan, ang ayuda na kanilang ibinigay ay para lamang sa kanilang mga magaaral sa elementarya at high school.
Kung saan batay sa kanilang tala, ang Makati City ay mayroon 81, 995 na mga elementary at high school student.
Tiniyak naman anya na nasusunod soscial distacing sa pamamahagi ng food packs sa mga residente ng barangay na kanilang pinupuntahan.
Batay sa tala, ng Department of Health (DOH) ang Makati City ay mayroon 19 COVID-19 positive; 2 na ang nasawi; 171 ang Persons Under Investigation (PUI); at 165 ang Persons Under Monitoring (PUM).