Naghain kanina ang Makati City ng “Urgent Motion for Clarification with Prayer for the Issuance of a Status Quo Ante Order” sa Taguig City Regional Trial Court Branch 153.
Ang kaso ay may titulong “Municipality of Taguig (Now City of Taguig) v. Municipality of Makati (Now City of Makati) et. al.”, Civil Case No. 63896.
Sa urgent motion, hiniling ng Makati City sa Taguig RTC na maglabas ng status quo order laban sa Taguig City
Layon anila nito na maging maayos ang pagpapatupad ng Supreme Court decision nang hindi gaanong magagambala ang mga residente at tuluy-tuloy pa rin ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga apektadong lugar.
Kasama ni Makati Mayor Abby na naghain ng urgent motion sina City Administrator Claro Certeza at City Legal Officer Michael Camiña.