Makati City LGU, nagbabala sa publiko kaugnay ng mga nag-aalok ng bakunang eZVax

42

Nagbabala ang pamahalaang lokal ng Makati sa mga residente ng lungsod na mag-ingat at maging mapanuri sa mga natatanggap na paanyaya para sa bakuna na pinadadaan sa pamamagitan ng email.

Sa abiso ng Makati Local Government Unit (LGU) , tinatawagan ng pansin ang mga mamamayan nito na nakatanggap ng email mula sa eZVax-noreply@zuelligpharma.com.


Anila, walang kaugnayan ang pamahalaang lungsod sa eZVax.

Ang mga nagparehistro sa Proud Makatizen website para sa libreng COVID-19 vaccine ng lungsod ay makakatanggap ng confirmation sa pamamagitan lamang ng text message.

Nagpaalala ang Makati City Government sa mga residente ng lungsod na mag-ingat sa pagbubukas ng mga email galing sa mga hindi kilalang indibidwal

Facebook Comments