Makati City LGU, nakatakdang magsampa ng kaso sa Taguig City ngayong araw

Nakatakdang magsampa ng kaso ang Makati City government sa lungsod ng Taguig ngayong araw dahil pa rin sa ilang law violations ng lungsod ng Taguig hingggil sa territorial dispute.

Inaasahang magsasampa ang Makati City legal counsel ng patong-patong na kaso sa Taguig City prosecutors office hinggil sa ilang violations umano ng Taguig City government sa Embo barangays.

Mamayang alas-10:00 ng umaga, tutungo sa prosecutors office ng Taguig ang Makati City lawyers upang ihanda ang pormal na reklamo sa Taguig.


Kung maaalala, nito lamang linggo ay nagkaroon muli ng tensyon ang dalawang panig dahil na rin sa usapin ng lupa at ang pagpapasara ng Makati Park Garden na nasa hurisdiksyon na ng Taguig.

Facebook Comments