Makati City, may limang residenteng bagong nasawi sa COVID-19

33

Ikinalungkot ng pamunuan ng Makati City Health Department o MCHD ang pag kasawi ng limang COVID-19 patients kahapon.

Batay sa datos ng MCHD ay mga nasawi na bunsod mg COVID-19 ay mula sa Barangay Palanan, Guadalupe Nuevo, Guadalupe Viejo, PP Northside, at West Rembo.


Dahil dito, umakayat sa 515 ang kabuuang bilang ngayon ng mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.

Sa kabila nito, nabawasan naman ng 82 ang kabuuang ngayon ng mga active cases sa lungsod, mula 1,411 noong Lunes, kahapon nasa 1,329 na ito.

Paliwanag ng MCHD, mas marami ang gumaling mula sa naturang sakit na umabot ng 210 kumapara sa mga nagkasait na nasa 133 new confirmed cases kahapon.

Sa kasalukuyan, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso jg COVID-19 sa lungsod ay umabot na ng 15,909, kung saan 14,065 nito ay kabuuang bilang naman mga gumaling sa naturang sakit.



Facebook Comments