Makati City, nakapagtala ng siyam na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ng siyam na bagong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang lungsod ng Makati pasado alas 9:00 kagabi batay sa tala ng health department ng lungsod.

Ang naturang bilang ng mga bagong pasyente ng COVID-19 ay mula sa Barangay ng Bel Air at Barangay Pitogo na may tig-dalawang bagong kaso ng COVID-19.

Habang ang Barangay Bangkal, Olympia, Palanan, Guadalupe Viejo at West Rembo na may tig-isang bagong kaso.


Dahil dito, tumaas ang bilang nga kaso ng confirmed cases ng COVID-19 sa Makati City na umakyat na sa 818.

Mula sa nasabing bilang, 79 nito ay nasawi at 387 na gumaling, kaya naman nasa 352 na ang active cases sa lungsod.

Muling ipinapaalala ni Makati Mayor Abby Binay sa lahat ng Makatizens na manatili sa tahanan at iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan upang maging ligtas.

Aniya, kung nakakaramdam ng mga sintomas ng COVID-19, mangyaring tumawag sa 168 o (02) 8942 6843, at huwag lumabas ng bahay upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus.

Facebook Comments