Makati City PESO, nagpahayag ng buong suporta sa layunin ng DZXL Radyo Trabaho

Nagpahayag ng kanyang buong suporta ang tanggapan ng Makati City PESO sa mga balakin at adhikain ng DZXL Radyo Trabaho.

 

Sa panayam ng DZXL Radyo Trabaho kay Ginoong Jonjon Arches, administrative head at tumatayong pangalawa kay Makati City PESO manager Marie P. Aldon, handa aniya silang ibigay sa Radio Mindanao Network DZXL 558 Manila ang lahat na mga kakailanganin nito sakaling magkaroon ng aktibidad na patungkol sa pagbibigay ng trabaho. Ganito rin ang tugon ni Arches nang talakayin ng DZXL Radyo Trabaho team ang plano nitong mini-jobfair.

 

Aniya, maaari rin silang umalalay sa atin mula registration hanggang sa libreng photocopy ng resume ng mga aplikante sakaling mangailangan sila ng higit sa isang resume para mag-apply sa may 20  mga recuirter na dadalo sa job fair.


 

Samantala, inihahanda na rin ng kanilang tanggapan ang pagsasagawa ng isa sa dalawang megabjob fair nila na gaganapin sa buwan ng hunyo. Wala pang aktuwal na petsa ang naturang mega-jobfair subalit gaganapin ito sa Glorieta Activity Center.

 

Sa ngayon, nagpapatuloy ang in-house job fair ng Makati City PESO na ginaganap tuwing Miyerkules. Tatlo hanggang anim na mga recruiter ang dadalo sa Miyerkules, ika-20 ng Enero sa mismong tanggapan ng Makati City PESO. (DZXL Radyo Trabaho RadyoMaN Ronnie Ramos)

Sa mga nais na magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himipilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

Maaari niyo ring i-send ang kopya ng inyong resume o curriculum vitae sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming radyo trabaho hotline: 882 2370
Radyo Trabaho textline: 0967 372 9014

Sa Radyo Trabaho, walang personalan… trabaho lang!

#XL558RADYOTRABAHO #XL558JOBOPENINGS#XL558USAPANGTRABAHO #RADYOTRABAHO
#XL558MEETTHEBOSS

 

Facebook Comments