Makati City Police nakikipag ugnayan sa Korean Embassy dahil sa pagpapatiwakal ng isang Koreano sa hotel sa Makati

Nakikipag ugnayan na sa Korean Embassy ang Makati City Police kaugnay sa isang koreano na natagpuang patay sa isang hotel sa lungsod ng Makati.

Kinilala ng Makati Police ang biktima na si Kim Jongoo, 36 y/o (Korean National).

Sa inisyal na imbestigasyon 6:35 kagabi nang matagpuan walang buhay ang koreano sa Room 1912 ng Oxford Suite Brgy Bel-air, Makati City.


Ang biktima ay di umano nagbigti sa comfort room ng tinutuluyang hotel.

Sa ngayon, isasailalim pa sa otopsiya ang bangkay upang malaman ang sanhi ng pagkamatay ng dayuhan at para malaman kung may foul play sa pagkamatay nito.

Facebook Comments