Makati City Subway Project, nakatanggap ng higit 300-M dolyar na investment mula sa 2 Chinese firms

Nakapag-secure ang Makati City Subway System Project ng $332 million na halaga ng investment mula sa dalawang Chinese firms.

Ayon sa Philippine Infradev Holdings Inc. – ang Makati City Subway Inc. ay lumagda ng investment agreements sa Hui Gao Investment Development at Shanghai Mintu Investments.

Ang Makati City Subway Inc. ay ang corporate vehicle na mangangasiwa ng construction, operation, at management ng proyekto.


Ang investment ng dalawang Chinese firms ay mapupunta sa pagtatayo ng subway system.

Ang Makati Subway ay ikokonekta ang ilang lugar sa lungsod kabilang ang Central Business District, Circuit City, Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City Hall, University of Makati, Ospital ng Makati at iba pang growth areas.

Ang subway ay magkakaroon ng 10 air-conditioned, underground island stations.

Mayroon itong anim na bagong na kayang magserbisyo ng higit 700,000 pasahero kada araw.

Facebook Comments