Makati Government, sasagutin ang gastos sa cremation ng mga residenteng nasawi dulot ng COVID-19

Sasagutin ng pamahalaang Lungsod ng Makati ang gastusin sa cremation ng mga yumaong residente dahil sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay na makipagkasundo ang Makati City Government sa pribadong kumpanyang NewLife Techwin Inc., na magpapagamit ng dalawang crematory machines sa lungsod sa bisa ng isang memorandum of agreement (MOA).

Batay sa napagkasunduan, ang NewLife ang mangangasiwa sa crematory procedures sa loob ng isang taon. Tutulungan din ng kumpanya ang lungsod sa pagtatayo ng temporary crematorium sa Makati Park and Garden, kung saan may itinalagang lugar ang lungsod para sa naturang pasilidad.


Dagdag ng alkade nagkakahalaga ang presyo ng pagpapa-cremate ng ₱18,300 bawat bangkay.

Ito ay kasama rin, aniya, ang mga indibidwal na nasawi na kabilang sa suspected at probable COVID-19 cases.

Batay sa pinakabagong tala ng City Health Office ng lungsod, ang Makati ay meron ng 199 COVID-19 confirmed cases at 21 na ang nasawi sa nasabing lungsod ng dahil sa virus.

Facebook Comments