Makati LGU, ipapasara ang mga establisyemento na pasaway sa quarantine protocols

Nagbabala ang Makati City Local Government Unit (LGU) na ipapasara ang mga establisyemento na patuloy na lumalabag sa quarantine protocols.

Unang nasampolan ang transient house o paupahan na lumalabag sa Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines.

Sinilbihan ng closure order ng Business Permits and Licensing Office ang Carlmig Homes sa Emilia Street., Brgy. Palanan.


Ilang bars na rin ang ipinasara ng LGU dahil sa iba’t ibang paglabag.

Kabilang dito ang operasyon ng mga lagpas sa curfew hours, kapasidad na pinapayagan at pagbubukas kahit ipinagbabawal pa.

Facebook Comments