Makati LGU magrarasyon ng tubig sa mga residenteng apektado ng water interruption

Nakastandby ang 17 firetrucks ng Local government ng Makati city at ng Bureau of Fire Protection para sa mga residente ng lungsod na gustong magparasyon ng tubig.

 

Ito ay bunsod narin ng nararansang mahina hanggang sa walang suplay ng tubig sa ilang barangay sa Makati.

 

Sa abiso ng Manila Water “low pressure to no water” ang mararanasan ng mga taga-barangay Comembo, East Rembo, Pembo, Pio del Pilar, West Rembo, Urdaneta, San Lorenzo at Bel-Air.


 

Habang wala talagang tubig sa mga barangay Guadalupe Viejo at Nuevo, Pinagkaisahan, Poblacion, South Cembo, Cembo, Pitogo at Rizal.

 

Maaaring tumawag sa mga numerong 168, 236-5790 at 870-1162 para sa libreng rasyon ng tubig.

Facebook Comments