Makati LGU, magsasagawa ng malawakang information drive tungkol sa bagong curfew ordinance sa lungsod

Makati City – Magkakasa ng malawakang information dissemination campaign ang Makati LGU tungkol sa bagong City Ordinance No. ‎2017-098 o “The Child Protection Ordinance of the City of Makati.”

Kasunod nito inatasan ni Makati Mayor Abby Binay ang Liga ng mga Barangay na pangunahan ang nasabing information drive at makipagtulungan sa iba pang mga tanggapan sa City Hall upang matiyak na mauunawaan ng mga residente, mga opisyal ng barangay, at mga enforcer ang nilalaman ng ordinansa.

Nais ng alkalde na maipaliwanag ang curfew ordinance sa paraang madaling maiintindihan ng mga tao, sa pamamagitan ng mga community meetings, leaflets, newsletters, infographics at mga video na mapapanood sa My Makati Facebook page at Makati Portal.


Facebook Comments