Makati LGU, pinayuhan ang mga pasyenteng iwasan munang pumunta sa Out Patient Department ng OSMAK

Pinakiusapan ng Pamahalaang Lungsod ng Makati ang publiko na iwasan munang pumunta sa Out Patient Department ng Ospital ng Makati habang may mga kaso pa ng COVID-19.

Sa halip, pinayuhan ang sinumang pasyente na tumawag muna sa contact numbers ng OSMAK mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Para sa mga OPD patients na may contact number, maghintay na lamang ng tawag ng kanilang doktor para sa kanilang appointment.


Habang ang mga OPD patients na may appointment at wala namang contact number ay maaaring tumawag sa OPD hotline ng ospital.

Samantala, maaari ring tumawag sa OPD registration hotline ang mga pasyente na wala pang appointment.

Base sa pinakahuling datos, nakapagtala pa ang Makati Health Department ng 1,118 active COVID-19 cases sa lungsod.

Sa kabuuan, umabot na sa 5,375 ang COVID-19 cases sa lungsod kung saan 4,064 na ang gumaling habang 193 ang namatay.

Facebook Comments