Plano ng Pamahalaang Lungsod ng Makati na magsagawa ngayong buwan ng libreng mass testing para sa mga taong may sintomas ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pati na rin ang asymptomatic frontliners upang matukoy, maibukod at magamot ang mga taong may sakit.
Nabatid na ang lungsod at ang Philippine Red Cross ay pipirma ng isang memorandum of agreement para sa mass testing ng persons under investigation (PUI), persons under monitoring (PUM) at frontliners.
Gagamitin ng lungsod ang polymerase chain reaction (PCR) test dahil mas eksakto ang resulta nito kaysa sa rapid test.
Mas malaki rin ang gagastusin ng lungsod kung gagamit ito ang rapid test dahil kailangan pa rin ng mga pasyente na sumailalim sa PCR test.
Sa kasalukuyan, ang lungsod ay nagpapadala ng COVID-19 samples sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa at San Lazaro Hospital sa Maynila.