Inanunsyo ni Makati Mayor Abby Binay na magtatayo ngayong linggo ang lungsod ng dalawang negative pressure tents sa Ospital ng Makati para sa mga pasyente na may sakit na COVID-19.
Ayon sa alkalde, ang Makati ang magiging una sa Metro Manila na magtatayo ng ganitong makabagong pasilidad.
Aniya, ito ay ilalagay sa ambulance bay ng OsMak Emergency Room upang maiwasan ang posibleng pagkakahawa ng ibang pasyente at frontliners.
Ang bawat tent ay may anim na intensive care unit beds, power supply, pressure sensors at alarms, lighting, filtration systems, LCD monitors, UV/HEPA air purification, toilet at shower, decontamination rooms, changing rooms, storage, at air-conditioning system.
Facebook Comments