Makati Mayor Binay: mga mall, sinehan at parke pinababantayan sa mga pulis dahil sa COVID 19

Pinag-utos ni Makati City Mayor Abby Binay sa mga pulis na mahigpitan ang pagbabantay sa mga mall, sinehan at park na sakop ng kanyang lungsod, upang matiyak na walang makakapuntang mga batang studyante.

Ayon kay Mayor Binay, dapat grounded sa bahay ang mga batang studyante upang matiyak na hindi sila mahahawaan ng Coronavirus Disease 2019 o COVID 19.

Kayan naman panawagan niya sa mga magulang ng kanyang lungsod na huwag palabasin ng bahay ang kanilang mga anak para sa kaligtasan ng mga ito.


Kamakailan, inannunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang class suspension sa buong National Capital Region o NCR matapos isumete ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF-EID ang kanilang rekomendasyon ukol dito dahil na rin sa mabilis na paglobo ng bilang ng kaso na nagpopositibo sa COVID 19 sa bansa.

Facebook Comments