Makati, nagbigay ng isang buwang extension ng validity para sa mga Yellow Card

Tiniyak ni Makati City Mayor Abby Binay ngayon sa mga residente na mananatiling valid o may bisa ang mga Yellow Card na nakatakdang mag-expire sa panahon ng enhanced community quarantine dahil sa karagdagang tatlumpung araw na extension na kanyang ipinatupad.

Aniya, nais niyang masigurong tuluy-tuloy na matatamasa ng lahat ng mga residente, lalo na ang mga maysakit at nakatatanda, ang mga benepisyong hatid ng Yellow Card.

Batay sa kautusan ng alkalde, awtomatikong extended ng 30 days ang validity ng mga Yellow Card na may expiration date sa pagitan ng March 15 at April 12, 2020.


Dahil dito, walang dapat ipag-alala ang mga residente at sila ay makakakuha pa rin ng libreng gamot at mabibigyan ng kaukulang serbisyong medikal sa ilalim ng Yellow Card.

Facebook Comments