Naglabas ang Makati City hall ng listahan ng mga contact person sa bawat barangay nito upang matawagan ng mga residenteng kung sakaling kailangan ng tulong medikal o emergency.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay na layunin nito upang agad na makapag responde ang mga tauhan ng barangay at ang lokal na pamahalaan ng Makati.
Dagdag pa niya na para hindi na rin lumabas ng bahay kung sakaling hihingi sila ng tulong.
Batay sa listahan na inilabas, mayroong 20 na contact person sa District 1 at labing tatlo naman sa District 2.
Pero nilinaw ng Alkalde na makati pa ring tumawag sa 168 o gamitin ang Makatizen App upang humingi ng tulong.
Iginiit ni Mayor Abbi na maaari lamanag tumawag ang kanyang mga residente kung nangangailangan ng tulong sa transportasyon para sa mga scheduled dialysis, chemotherapy, o iba pang medical procedures.
Kaya naman apela niya sa kanyang nasasakupan na manatili nalang sila sa loob ng bahay kung wala naman itong mahalagang bagay na gagawin, dahil anya ayaw na niyang madaragdagan pa ang bilang ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 patient sa kanyang lungsod.