Muling nagpatuloy ngayong araw ang preliminary investigation ng Makati Prosecutor’s Office sa kaso ni Christine Dacera, ang flight attendant na natagpuang patay sa isang hotel sa Makati noong January 1, 2021
Sa 3rd preliminary investigation, muling nabigo ang Makati-Philippine National Police (PNP) na isumite ang toxicology report at ang medical report ni Christine Dacera mula sa Makati Medical Center.
Ayon kay Atty. Ernanie Ginzalez IV, PNP-Legal officer, hindi nila hawak ang toxicology exam.
Aniya, nagsumite lang ang Makati-PNP ng mga sample na nakuha sa 2209 kung saan natagpuang patay si Christine Dacera sa UP Manila at ito na rin ang nagsagawa ng nasabing exam.
Hanggang ngayon aniya ay wala pang ibinibigay na toxicology report sa Makati-PNP.
Sinabi rin nito na hindi na sila binigyan ng medical report ni Christine ng Makati Medical Center kung saan unang isinugod si Dacera dahil naibigay na umano ito sa NBI.
Ngayong araw, nagsumite lang ang 11 respondents ng kanilang counter affidavit mula sa mga ebedisya na isinumite ng Makati Police noong 2nd preliminary investigation.
Hiniling naman ng Makati-PNP at mga abogado ng Dacera Family, sagutin ang mga counter affidavit ng mga respondents.
Dahil dito, magpapatuloy ang preliminary investigation ng Makati Prosecutor’s Office sa February 11.