MakatiZen App, pinapagamit sa mga residente para i-report ang COVID-19 case

Hinikayat ng lokal na pamahalaan ng Makati ang paggamit ng MakatiZen App para sa agad na pagrereport ng mga COVID-19 cases.

Bukod sa mga insidente at emergency, hinihimok na rin ang mga residente na i-report na rin sa Makatizen App sakali mang makaramdam agad ng sintomas ng Coronavirus.

Kapag nai-download ang Makatizen app ay pindutin ang SOS link at Medical icon.


Agad din na makakatanggap ng tawag mula sa command center at magpapadala agad ng ambulansya para tugunan ang health concerns sakaling may COVID-19.

Makikita din agad sa command center ang lugar kung saan natanggap ang report.

Facebook Comments