Makatizen Economic Relief Program, mahigit ₱1-B na ang naipamahagi sa mga benepisyaryo

Inihayag ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Makati na umabot na sa mahigit ₱1 bilyon ang halaga ng naipamahaging ayuda sa pamamagitan ng electronic money transfer sa ilalim ng Makatizen Economic Relief Program o MERP na nagbibigay ng ₱5,000 tulong pinansyal sa bawat kwalipikadong Makatizen.

Ayon kay Makati Mayor Abby Binay, ang cash assistance ay naipamahagi ng Lungsod sa pamamagitan ng GCash sa mahigit 207,000 benepisyaryo sa loob lamang ng dalawang linggo matapos simulan ang MERP.

Napag-alaman din na karamihan sa nakatanggap ng MERP ay ginamit ang pera para makapagsimula ng kanilang sariling negosyo, bukod sa pangtustos sa pagkain, pagbabayad ng tubig at kuryente.


Sa ilalim ng na nasabing programa, kwalipikado bilang benepisyaryo ang mga residente ng Makati na may edad 18 taon pataas, kabilang ang mga nakatira sa relocation areas ng Lungsod sa San Jose del Monte City, Bulacan at Calauan, Laguna.

Kailangan ding rehistrado bilang Makatizen Cardholder, Yellow Cardholder, o botante ng Lungsod ng Makati ang mga nasabing benepisyaryo.

Facebook Comments