Makatotohanan at patas na pagbabalita, hiling ni Pangulong Duterte sa government media

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang government media na panatilihing ihatid sa tao ang maaasahang pagbabalita.

Ito ang sinabi ng Pangulo kasabay ng pagbibigay diin sa mahalagang papel ng mga mamamahayag sa demokratikong bansa tulad ng Pilipinas.

Sa formal opening ng Mindanao Media Hub (MMH) ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa Davao City, sinabi ni Pangulong Duterte na ang paglulunsad ng MMH ay malaking hakbang para sa pagtataguyod ng media broadcasting environment sa Mindanao.


Nanawagan din ang Pangulo sa government media na manatiling totoo at patas sa kanilang tungkulin.

Makikita sa ₱700 million facility ang satellite offices ng PCOO at attached agencies nito tulad ng People’s Television Network (PTV), Radyo Pilipinas, Philippine News Agency (PNA) at Philippine Information Agency (PIA).

Sinabi ni PCOO Secretary Martin Andanar, na ang “state-of –the-art” facility ay layong mapalawak ang maabot ng government media sa buong rehiyon.

Plano ng PCOO na palawakin pa ang government media sa Visayas sa pamamagitan ng pagtatayo ng Visayas Media Hub sa susunod na taon.

Facebook Comments